Wednesday, November 13, 2019

READING


This essay won second place in the Blog Writing Contest of the Main Library. Congratulations to Ms. Pontiga!


Reading
Princess Karylle Pontiga

Napapaisip ako sa tanong sa akin noon ng aking guro noong ako ay nasa elementarya pa lamang, bakit nga ba tayo nagbabasa ng paulit-ulit? Katulad na lamang ng mga istorya na alam naman na natin ang magiging ending? At bakit nga ba napaka importante ang pagbabasa ng bawat isa sa atin? Ang mga ideya sa aking kokote ay parang gustong lumabas sa isang lungga ng sabay sabay kaya naman sa napakarami ng rason ay hindi ko mahagilap kung ano nga ba ang pinaka dabest na aking masasagot kaya naman imbis na sagutin ay hindi ko na rin alam ang dapat ko bang sabihin.


           Aking napagtanto na ang pagbabasa ay parang isang pagkain na kakailanganin mo sa iyong pang araw araw. Paano ka mabubuhay kung walang pagkain at katulad na lamang ng pagbabasa, ay paano ka makakakuha ng mga impormasyon kung hindi ka marunong magbasa?   Sa makabuluhang salita, hindi lamang sa marunong kang magbasa ay iyon lamang iyon, maaring nabasa mo nga ang isang bagay ngunit naintindihan mo nga ba ito? Kung hindi mo rin naman naunawanan ito ay wala ring naganap na pagbabasa. Ayon nga sa aking nabasa, “walang oras o walang panahon ng pagbabasa,sa madaling sabi, hindi ka bilanggo sa sirkulo o espasyo ng panahon. Nararating ng diwa ang nais marating, nababatid ang mga kaalamang dati rati’y mula sa ating malay.”

           Maaaring alam mo nga ang titik , salita, at mga pangungusap sa iyong tekstong binabasa ngunit kailangan mo rin itong bigyang unawa sa mensaheng nakapaloob sa bawat tekstong iyong nababasa. Hindi lamang sa aklat, gayun na rin sa ating kapaligiran. Maaring nabasa mo nga ang ang sign sa isang kalsada ngunit ang tanong ay inintindi mo ba at isinagawa?

         Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa mga impor-masyon at ideya. Ayon nga kay Goodman, ang pagbabasa ay isang saykolinggwistik na paghinuha na kung saan ay nagbubulong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa mensaheng nabasa. Siya ay naniniwala na ang pagbabasa ay kinapapalooban ng interaksyon sa pagitan ng wika at kaisipan. Ibat iba ang kahalagahan ng pagbabasa, ito ay nakakapaglawak ng ating talino at isipan. Maari rin itong makapagpalibang at nakakapagbigay aliw sa atin sa tuwing tayo ay nababagot at walang ginagawa.

    Nakakapaglawak rin ito ang ating imahinasyon. Katulad ng lamang ng pagbabasa ng libro na Harry Potter, maya’t maya ay mapapasigaw ka na lamang na kung ano ano at mag d-day dreaming na ikaw ay isang Witchcraft o Wizardry at nag-aaral sa Hogwarts School. Sa pagbabasa ng mga e-books na uso sa mga kabataan ngayon, mapapaisip ka na lang minsan na sana ay ikaw na lang ang baby nya at maging leading lady di ba? Kapag naman namatay ang bida ay madadala ka sa emosyon at biglaan ka na lamang na maiiyak. Lahat yan ay mararanasan mo sa tuwing ikaw ay nagbubuklat ng libro. Para bang ikaw ay nasa ibang mundo o universe.

                Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakakatuklas tayo ng maraming kaalaman at karunungan na tutugon sa ating mga pangangailan sa ating buhay. Higit sa lahat, mahalaga ang pagbabasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon gawa ng mga makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon. Pati na rin ang maunawan ang mga bagay bagay na sa ating nasa paligid.
                                                                                                                                                                          

No comments:

Post a Comment