Wednesday, November 13, 2019

THE SEARCH FOR YOUNG BLOOD: OUTCOME


The results are in, Lib Lifers!

Poster design courtesy of Ms. Jean Marilette Abelardo
 
Taking inspiration from the Philippine Daily Inquirer's Young Blood column, the Main Library announced a Blog Writing Contest at the start of the school year, inviting young writers to submit original articles for posting here at the Lib Life Ko site. We wanted to hear the voice of the youth; to listen to their views on books and reading in the face of technology and social media. After careful consideration among a number of submissions, four essays took the top spots:

Tied for 3rd place were Cathlene Dela Vega's "Ang Kahalagahan ng Pagbabasa ngLibro sa Kabila ng Patuloy na Pag-unlad ng Teknolohiya" which encourages us not to be too dependent on electronic content, and Shaira Adette Mapoy's "Books: The Greatest Gift" which explores the purpose of these publications in our lives.

Co-winners: Ms. Dela Vega and Ms. Mapoy tie for 3rd

2nd place went to Princess Karylle Pontiga's "Reading", where, in connection with the title, the author tries to answer an old question from her elementary days.

Why read? Ms. Pontiga shares her thoughts

And 1st place was awarded to Leonard Matt Mendi's "Libro: Ang Munting Pinuno ng Trono"; an analysis of movies and books, and which one (in the author’s opinion) would win over the other.

Mr. Mendi gets the judges' nod with his "Libro: Ang Munting Pinuno ng Trono"

Napoléon Bonaparte once said, "Show me a family of readers, and I will show you the people who move the world." If only indicated from their essays, it is nice to know that for these youth who shall shape the future, the practice of reading books is still alive and well.


(We acknowledge and give thanks to our Senior High School teachers for their help in this contest. Congratulations to our winners!)


LIBRO: ANG MUNTING PINUNO NG TRONO


This essay won first place in the Blog Writing Contest of the Main Library. Congratulations to Mr. Mendi!


Libro: Ang Munting Pinuno ng Trono
Leonard Matt C. Mendi                

                Ang mga libro at mga pelikula ay parehong kinikilala at tinataguriang mga gawang sining. Sinasabi na ang mga libro ay inilimbag na mga kaisipan, ideya, saloobin at damdamin ng mga manunulat. Ginagamitan ng mga manunulat na ito ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-gamit ng matatalinghaga at mabubulaklak na mga salita bilang kanilang mga pansariling sandata. Ang mga pelikula naman na taglay mula sa kanilang sariling mga libro ay ginagamitan ng mahusay na sinematograpiya at makukulay na grapikong ginagamitan ng masusing pagtatrabaho sa mga kompyuter. Sa hindi matapos tapos at patuloy na labanang ito, kaninong pangkat nga ba ang may pinakamaraming sandata at pinakamakapangyarihan upang pamunuan ang trono at tapusin ang digmaan?

Ang mga libro ay isa sa mga panimulang kagamitan sa pagkuha natin ng kaalaman. Ang iba sa atin ay lumaki na binabasahan ng ating mga magulang bago tayo matulog sa gabi. Ayon sa mga dalubhasa, kung ano ang nakikita ng anak sa kaniyang mga magulang, iyon ang nakukuha nila sa kanilang paglaki. Ang mga libro ay susi sa mas malawak na kaalaman sa pamamaraan ng pagsiyasat at masuring pag-aaral sa mga libro. Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, mas mabisa ang pagbabasa sa pagkuha ng impormasyon kaysa sa pakikinig lamang. Mas madali para sa atin ang magkabisa kung ang isang bagay ay paulit-ulit nating binabasa kaysa sa paulit-ulit nating naririnig.


                Tumungo naman tayo sa labanan ng libro at kanilang sariling pelikula. Kung iisipin, mas mabilis at kayang tapusin ng isang upuan ang pelikula kaysa sa libro, ngunit maihahambing ito sa pangkat na lumaban ng hindi pinag-iisipan ang stratehiya ng kanilang kalaban. Habang umaatake ang mga pelikula, ang mga libro ay pinupunan ang mga detalyeng hindi naibabanggit sa mga pelikula. Kung ang pelikula ay epektibo, masasabing mabisa ang mga libro. Ang mga libro katulad na lamang ng mga nobela ay isang uri ng panitikan kung saan nagsasaad ng kwento ang manunulat mula sa kaniyang sariling imahinasyon at kaisipan. Ito ay isang detalyadong kuwento na kung saan ang labinglimang segundo ng pelikula ay maaaring umabot ng labinglimang pahina sa libro.

                Ang mga pelikula ay karaniwang nagtatagal ng isa hanggang tatlong oras lamang, isa itong kalamangan ng mga pelikula sa libro. Ngunit, isa ito sa mga kadahilanan ng pagiging tamad ng mga Pilipino sa pag-iintindi at pagsusuri ng mga libro. Mas pinipili nila ang mas madali at mas mabilis na paraan, kasya sa pinagtatiyagaan ang mga bagay na magbubunga ng mas masaganang resulta. Ang mga libro ay simbolo ng pagiging matiyaga dahil kung matapos mo ang isang mahabang nobela, katibayan ito na naglaan ka ng pansarili mong oras upang mawakasan mo ito.

                Dahil din sa pagbabasa, napapalawak nito ang ating pag-iisip at nadaragdagan ang ating kaalaman ukol sa mga bagong bokabularyo at talasalitaang natatagpuan natin sa mga libro. Kung ikukumpara sa mga pelikula, maaaring masabi lang ng mga tauhan sa kuwento ang mga salitang hindi mo alam at may posibilidad na magkaroon ng pagkalito sa nais iparating ng mananalita.

                Isa pa sa mga sandata ng mga libro ay ang kapangyarihan ng mga itong dalhin ang mga magbabasa sa ibang dimensiyon, mundo, at realidad. Nabubuhayan ang ating mga isip dahil sa libro sa pamamaraang paggamit ng mga manunulat ng eksena at kuwento na malayo sa realidad ng mundo natin ngayon. Katulad na lamang ng mga serye ng librong “Harry Potter”, “Chronicles of Narnia” at “Lord of the Rings: Trilogy” na may mga kaakibat na mga pelikulang ginawa ng mga direktor. Sa mga pelikulang ito, mas makapangyarihan ang libro dahil nakukuha lamang ng mga direktor at tagasulat ng mga dayalogo and kanilang kapangyarihan sa kung ano ang nakasulat sa libro. Ang mga libro ang pinagkukuhanan ng lakas ng mga pelikula at dahil kung walang mga libro at ideya si Nicholas Sparks, ay hindi magkakaroon ng kahit na anumang pelikula mula sa mga librong inilimbag ni Nicholas Sparks.

                Sa pagbabasa ng isang libro ni Nicholas Sparks, ako ay namangha sa pamamaraan niya ng paggamit ng mga salita upang buoin ang isang kabanata. Alam ng marami na mayroong pelikula ang “A Walk to Remember” at bilang isang mambabasa na nagustuhan ang libro, akin itong pinanood ngunit sa aking pagkadismaya, ako ay nalungkot sa kuwento at sa bilis ng takbo ng mga pangyayari, dahil ang mga maliliit na bagay at detalye sa libro, ay ang nagbibigay ng kulay at ako ay naniniwala na ang mga maliliit na detalye ay hindi itinuturing na maliit lamang dahil ginagawa ng mga ito ang higit pa sa kung ano ang naipapakita ng buod ng libro. May mga sitwasyon kung saan napakalaking butas ang nawawala sa mga pelikula at ito ang dahilan kung bakit mas masaya pa rin mahalin ang mga libro kaysa sa mga pelikula.

                Sa mga librong aking nabasa, nakukuha ang aking atensiyon dahil sa galing ng mga manunulat sa pag-iisip ng mga katangian ng bawat tauhan sa kuwento. Naiiba rin nila ito sa mga iba pang mga tauhan sa mga ibang libro kaya naman mas maganda ang pag-unlad ng mga katangian ng mga tauhan sa libre kaysa sa pelikula. Dahil sa bawat galaw at desisyon na kanilang gagawin, maaari itong magdulot ng matinding paghanga sa tauhan kaya may mga iba akong kilalang napupusuan ang mga tauhan sa libro kahit na alam naman nila na hindi ito umiiral sa mundo at hindi nila ito nakikita.

                Bilang estudyante, alam naman natin na isa sa mga pasilidad na mayroon ang ating paaralan ay ang silid-aklatan kung saan matatagpuan ang daan-daang mga libro sa iba’t ibang uri nito. Panatilihin nating maging masipag sa pagbabasa dahil ito ay nakakatulong sa atin sa pang araw-araw na pamumuhay. Sa aking mga karanasan, ang libro ay laging yumayakap sa ating utak at dapat nating hayaang yakapin pabalik ng utak natin ang mga librong ito. Ang silid-aklatan ay isang silid na kung saan napapaloob ang tahimik at mapayapang kapaligiran upang matulungan tayong makapag pokus sa kung anong ating binabasa.

                Sa haba man ng pakikipaglabanan ng mga libro at pelikula, mananatiling ang mga libro ang mamumuno sa trono. Mayroon mang mga espada ang mga pelikula, mayroon naming baril, granada at misayl na wala ang mga pelikula. Ngunit sabi ko nga sa umpisa, parehong itinuturing ang pelikula, libro at iba pang mga uri ng panitikan na meron tayo, ang Pilipinas ay sagana at mayaman sa mga obra maestrang nakapaloob sa ating bansa.

READING


This essay won second place in the Blog Writing Contest of the Main Library. Congratulations to Ms. Pontiga!


Reading
Princess Karylle Pontiga

Napapaisip ako sa tanong sa akin noon ng aking guro noong ako ay nasa elementarya pa lamang, bakit nga ba tayo nagbabasa ng paulit-ulit? Katulad na lamang ng mga istorya na alam naman na natin ang magiging ending? At bakit nga ba napaka importante ang pagbabasa ng bawat isa sa atin? Ang mga ideya sa aking kokote ay parang gustong lumabas sa isang lungga ng sabay sabay kaya naman sa napakarami ng rason ay hindi ko mahagilap kung ano nga ba ang pinaka dabest na aking masasagot kaya naman imbis na sagutin ay hindi ko na rin alam ang dapat ko bang sabihin.


           Aking napagtanto na ang pagbabasa ay parang isang pagkain na kakailanganin mo sa iyong pang araw araw. Paano ka mabubuhay kung walang pagkain at katulad na lamang ng pagbabasa, ay paano ka makakakuha ng mga impormasyon kung hindi ka marunong magbasa?   Sa makabuluhang salita, hindi lamang sa marunong kang magbasa ay iyon lamang iyon, maaring nabasa mo nga ang isang bagay ngunit naintindihan mo nga ba ito? Kung hindi mo rin naman naunawanan ito ay wala ring naganap na pagbabasa. Ayon nga sa aking nabasa, “walang oras o walang panahon ng pagbabasa,sa madaling sabi, hindi ka bilanggo sa sirkulo o espasyo ng panahon. Nararating ng diwa ang nais marating, nababatid ang mga kaalamang dati rati’y mula sa ating malay.”

           Maaaring alam mo nga ang titik , salita, at mga pangungusap sa iyong tekstong binabasa ngunit kailangan mo rin itong bigyang unawa sa mensaheng nakapaloob sa bawat tekstong iyong nababasa. Hindi lamang sa aklat, gayun na rin sa ating kapaligiran. Maaring nabasa mo nga ang ang sign sa isang kalsada ngunit ang tanong ay inintindi mo ba at isinagawa?

         Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa mga impor-masyon at ideya. Ayon nga kay Goodman, ang pagbabasa ay isang saykolinggwistik na paghinuha na kung saan ay nagbubulong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa mensaheng nabasa. Siya ay naniniwala na ang pagbabasa ay kinapapalooban ng interaksyon sa pagitan ng wika at kaisipan. Ibat iba ang kahalagahan ng pagbabasa, ito ay nakakapaglawak ng ating talino at isipan. Maari rin itong makapagpalibang at nakakapagbigay aliw sa atin sa tuwing tayo ay nababagot at walang ginagawa.

    Nakakapaglawak rin ito ang ating imahinasyon. Katulad ng lamang ng pagbabasa ng libro na Harry Potter, maya’t maya ay mapapasigaw ka na lamang na kung ano ano at mag d-day dreaming na ikaw ay isang Witchcraft o Wizardry at nag-aaral sa Hogwarts School. Sa pagbabasa ng mga e-books na uso sa mga kabataan ngayon, mapapaisip ka na lang minsan na sana ay ikaw na lang ang baby nya at maging leading lady di ba? Kapag naman namatay ang bida ay madadala ka sa emosyon at biglaan ka na lamang na maiiyak. Lahat yan ay mararanasan mo sa tuwing ikaw ay nagbubuklat ng libro. Para bang ikaw ay nasa ibang mundo o universe.

                Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakakatuklas tayo ng maraming kaalaman at karunungan na tutugon sa ating mga pangangailan sa ating buhay. Higit sa lahat, mahalaga ang pagbabasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon gawa ng mga makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon. Pati na rin ang maunawan ang mga bagay bagay na sa ating nasa paligid.
                                                                                                                                                                          

BOOKS: THE GREATEST GIFT


This essay won third place in the Blog Writing Contest of the Main Library. Congratulations to Ms. Mapoy!


Books: The Greatest Gift
Shaira Adette L. Mapoy

 Books are written materials made by authors who have passion for writing and have the power to imagine things. Books are made with different categories and genre so that all people have the power to read the books that they are interested about. Reading a book really takes a lot of your time; that is why readers are known to be very hands on and very patient. Books are created for many reasons: Entertainment, Religion, Studying, and more. But what is really the purpose of books in our life? Are books really important?


 In this generation where technology continues to arise, it is very hard to have the courage and patience to start reading a book, because most of the time, people do not finish what they started, for they think that they are just wasting their time. As technology flourishes, there are many apps that can question you on why should you waste your time reading a book while there are many movies that do not require a lot of time to finish. Technology questions you on why you should finish a certain book when in fact, there are many summarized results about that certain book in Google. Those are some of the reasons why technology lessens the people who are into books, for technology mostly brings negative effect to many. In reality, people nowadays waste their time scrolling and watching through their social media accounts instead of gathering and craving for knowledge.  


                The more you read, the more knowledgeable and imaginative you become. Books are full of knowledge and can test one’s ability of imagining situations that is happening in the story. One purpose of books is that it helps us gain more knowledge and can make our minds more creative. Most of the people who read really want to escape the ordinary world and go to many extraordinary places. Reading a book can bring us to different places especially when we really have the power to imagine things that the author is trying to tell us. When we start reading a book, we enter the world of the author and live a different kind of life. As you go to another world, it gives you a magical experience and especially a magical feeling. Books help us explore the world and give us the extraordinary experience while reading and imagining things. Books make us feel that the impossible feeling can be possible. It helps us feel the things that we cannot feel in real life. As readers, we want to be fascinated and entertained by the world the author creates and the way the characters live in the magical world. Books make us feel that all of us have the power to do all the things that we dreamed of even though we do not really live by it. Of course, the key to developing good imagination skills is by reading a book you are interested about, for reading a book the you do not like can lead you to not being  able to finish reading the story. Make sure that you will read a book that you really like and that you are really interested in.

Books also improve one’s ability to put yourself in the shoes of others. It gives us the power to improve our empathy. A book has certain characters and each of the characters has their own characteristics, value, and point of view on things. Some of the characters definitely have flaws and imperfections like all of us do. Some of the characters have their own problems and by reading a book, you can put yourself in the shoes of those characters and imagine what life that character may be living. By reading a book, you know the specific feeling of a certain character about things. This in return allows you to be more aware about the things that you will say to other people so that your words will not cause pain in other peoples’ heart. Books can make you understand the feeling of the people around you. It makes you imagine what kind of life that certain character or a certain person may be living despite their flaws and imperfections. Books have the power to teach each and every reader to treat everyone right. Just like what Rebecca Solnit said, a book is a heart that only beats in the chest of another. That means that Books can make us feel what other people can be feeling too. 

There are many readers who are trying to read because they want to find themselves and they want to know what their own purpose is here in this world. Reading a book mostly helps other people know more about themselves. Books also help other people to know their purpose in life while reading. Books can also be your guide in making decisions, finding who you really are, discovering yourself and finding what is really your purpose in life. Books can also be a source of motivation especially when you finish reading a story that started with stating the characters problems and challenges and ended happily. In reality, Life is full of challenges and problems and a little motivation can really be a great help. Encouraging yourself by thinking that those challenges are temporary and at the end you can also live happily like that certain character did can be your daily motivation to fight and live every day.

The things that are stated above are some of the many advantages and purposes of reading a book. I want to take this opportunity to persuade everyone who will read this blog to read a book, for it brings many positive things in our life. It allows every one of us to imagine, explore, and discover things with the help of those authors. Reading a book is a pleasure for me because it helps me in finding the answers to every question I have. I hope that you give those books a chance to change your lives too!

ANG KAHALAGAHAN NG PAGBABASA NG LIBRO SA KABILA NG PATULOY NA PAG-UNLAD NG TEKNOLOHIYA


This essay won third place in the Blog Writing Contest of the Main Library. Congratulations to Ms. Dela Vega!


Ang Kahalagahan ng Pagbabasa ng Libro sa Kabila ng Patuloy na Pag-unlad ng Teknolohiya
Cathlene Dela Vega

Hindi na lingid sa ating kaalaman na sa patuloy na pag-unlad ng ating teknolohiya ay kasabay nito ang unti-unti nating paglimot sa kahalagahan ng pagbabasa ng libro. Sa panahon ngayon, madalas tayong umaasa sa mga impormasyong nakukuha sa internet tulad ng mga nilalaman ng mga websites, journals, articles at iba pa. Madalas na binabaliwala na natin ang pagbabasa ng pisikal na libro dahil sa mga elektronikong aparato na laganap ngayon. Hindi rin bago sa atin na ang paggamit ng teknolohiya ay nakakapagpapadali sa ating buhay kung kaya’t ito ay mas pinapaboran ng ating lipunan.


Ngunit hindi sa laging panahon nagiging kapaki-pakinabang ang mga impormasyong nakukuha sa internet. Karamihan doon ay hindi masasabing totoo o kulang-kulang sa kaalaman na ating kinakailangan. Laganap dito ang ‘fake news’ at kung hindi tayo mag-iingat ay maaari tayong mabiktima nito. Bukod doon ay marami pang mga panganib ang maaaring makatagpo kung palagi tayong umaasa sa impormasyong walang matibay na basehan o patunay.

Ang mga libro ay nilikha ng iba’t ibang may-akda na may sapat na kaalaman sa isang tiyak na paksa. Samakatuwid, pagdating sa pagkalap ng impormasyon, ang libro ay magandang basehan dahil ang mga impormasyong nakapaloob rito ay masidhing pinag-aralan at pinag-isipan. Mas matuturing na totoo ang kaalaman na nakapaloob dito dahil may matibay na katunayan at mga ebidensya. Isa pa sa dahilan kung bakit maituturing rin natin na magandang basehan ng impormasyon ang libro ay dahil ang mga nakasaad dito ay kumpleto at detalyado. 

                Ang masyadong pagbabad sa mga elektronikong gadget ay maaaring magresulta sa paglabo ng mata dahil sa radiation na mula rito. Ang mga libro, pagkat gawa sa papel, ay hindi magkakaroon ng masamang epekto sa mata o sa ibang parte ng katawan. 

                Mas matatanim sa ating utak ang mga kaalaman kung ito ay manggagaling sa libro. Hindi katulad sa internet na maaari nating i-copy paste ang mga impormasyong nakakalap. Manual man ang paraan ng pagkalap ng impormasyon sa libro, mas marami naman tayong matututunan dahil kailangan nating basahin ito para makuha ang kinakailangang mga detalye.

Sa internet, marami tayong makikitang mga ad at hindi kinakailangang impormasyon na maaaring magdulot sa tinatawag na “information overload.” Ang libro ay makakatulong sa pagkontrol sa mga impormasyong tatanggapin ng ating isipan. 

Tunay nga na pagdating sa pagiging praktikal, maaasahan natin ang teknolohiya dahil mas madaling gamitin. Ngunit maraming mga panganib ang kaakibat nito. Kaya’t mas maganda pa ring piliin ang pagbabasa ng libro.